Saturday, October 18, 2008

minsan

minsan kelangang mag-isip ng mga bagay na pwedeng gawin kahit hindi ganun kaimportante para lang may magawa. para lang may konting direksiyon. something to look forward to. kahit hindi ganun kalaki ang impak sa ekonomiya o sa kabuhayan ng iba. kahit hindi makatulong na makaahon sa kahirapan ng buhay ng ibang tao. basta makakabuti para sa iyong sarili. basta hindi makakasama sa iyong sariling katawan at pagkatao, sa kapaligiran, sa buhay ng ibang tao.

minsan ito ang katwiran ko sa buhay. minsan okay ito. pero hindi naman aplikabol palagi lalo na sa mature na mga sitwasyon. pero okay lang, okay na ako sa ganitong sitwasyon. ayoko rin naman ng masyadong kumplikadong buhay.

ikaw gusto mo?

2 comments:

Jamo said...

andrama ng potah. di ka ba kinukumbulsyon nyan? ahahahahaha.

maglagay ka kaya ng shoutbox sa gilid?

gagolero said...

cge try ko pag may time