Saturday, April 12, 2008

pilipinas


holdapan. nakawan. mga sunog. pagbaha. rape case. pulitika. ekonomiya. atbp.

halika na sa pilipinas. ang karnibal ng totoong buhay.

nakakatuwa. nakakainis. nakakagutom. nakakapagod. manood ng tv.
pareparehong palabas. recycled na pelikula. recycled na pulitiko. inuulit na balita. wala na bang iba? wala na bang bago? yung kakaiba? yung magkiklik sa masa? yung hindi pa nagagawa ninuman? yung wala pang nakakaisip ng ideyang ganyan? alam mo ba ibig kng sabihin? siguro hindi. kase kahit ako hindi ko rin alam eh. gulo no? sige lalo na lang nating guluhin para masaya. para maging malungkot yung iba. para lalong maghirap ang marami at maging mayaman ang iilan lang. sawa ka na ba? ako hindi pa. lalo nating palalain. ang sitwasyon. ang buhay. ang isip. isip mo at isip ko. pati na din ng mga kapitbahay mo.

minsan naisip ko. paano ba magiging mayaman ang pilipinas? paano ba masosolusyunan ang isyu ng kahirapan? meron akong naisip. mag-aanunsyo ako. ipapatawag ko lahat ng mahihirap na gustong yumaman. ang tipanan? hmmm. siguro sa sentral luzon na lang. medyo maluwag. kasya na ang ilang milyon. kung saan hulaan niyo. kapag andun na lahat at eksayted na sa kanilang inaasahan bigla kong ibabagsak ang limang bomba atomiko. siguradong lipol ang lahat ng dumating. subalit medyo brutal yon. naisip ko hindi makatao. sabagay hindi rin naman kami mayaman. baka sumama pa ang pamilya ko dun. wag na lang. trabaho na lang tayo. baka sakaling yumaman din pagdating ng panahon.

No comments: