may gumugulo sa isip ko. medyo wala sa lugar pero ayaw maalis sa isip ko eh. basta napaisip na naman ako. ganito kase yon. di ba me isyu sa global warming. tas mabubutas ang oson leyer. tapos ang epekto nito, magkakaroon ng malawakang pagbaha sa ilang lugar samantalang sa ibang lugar naman ay tagtuyot. tas unti-unti ng masisira ang mundo. eto na ang gumugulo sa isip ko. medyo hindi releyted na medyo releyted na rin. san na titira ang mga engkanto, duwende, ligaw na kaluluwa at iba pang supernatural na nilalang tulad ng siyokoy at sirena kapag nasira na ang mundo. me epek pa rin kaya ang madyik nila?
dahil nalaman ko na ang namatay na kamag-anak o kapamilya ay nagpaparamdam kapag sila ay pumanaw saan mang lugar sila namatay may naisip na naman akong gawin kapag ako ang namatay. pero bago yun konting paliwanag lang para malinaw. yung lolo ko nasa amerika nung namatay. nalaman naming patay na kase nga naman nagparamdam. nauna pa sa tawag ng mga tita ko. mas mabilis pa sa text. parang ganun. o medyo gets na? ganito. ako naman pag namatay ako hindi ako magpaparamdam. kachipan na yun. ang gagawin ko shempre mamamasyal na ako sa buong mundo. pupuntahan ko na ang mga lugar na hindi ko pa napupuntahan. at least hindi ko na pag-iipunan ang pamasahe ko. itatanong ko na lang kay lolo kung paano magteleport kapag kaluluwa ka na. o tipid di ba? abnoy ba?
No comments:
Post a Comment