Tuesday, November 30, 2010

praning ka din?

kelan mo huling naranasang mapraning? naaalala mo pa ba nuong pinalipad mo ang isang pamilyang plato dahil sa bwisit sa ulam na inihain sa iyo ng nanay mo? nung muntik-muntikan mo nang sunugin ang buong kabahayan dahil lang sa nawawala ang paborito mong unan na amoy panis na laway at alimuom. come on. mga simpleng bagay na walang katuturan ngunit nagpainit ng iyong ulo at wala kang patumanggang nagmura kesehodang me house blessing sa kabilang pinto ng inuupahan niong apartment.

No comments: